Parusa vs data privacy violators mas paiigtingin ng NPC

Parusa vs data privacy violators mas paiigtingin ng NPC

March 25, 2022 @ 2:07 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng National Privacy Commission na nagsagawa ito ng online public hearing nitong Martes, kung saan tinalakay ang updated draft circular sa administrative fines sa mga kasapi nito.

Sinabi ng privacy body na nakapaloob sa updated draft ang pinagsama-samang komento muka sa mga nakaraang hearing na sinimulan noong Abril 2021.

Bilang konsiderasyon sa mga komento mula sa publiko, sinabi ng NPC na nirebisa nito ang saklaw upang maisama ang lahat ng personal information controllers (PICs) o personal information processors (PIPs) sa ilalim ng hurisdiksyon ng Data Privacy Act.

Anito, layunin ng circular on administrative fines na isulong ang “organizational accountability” at pagsunod sa Data Privacy Act.

“The National Privacy Commission has consistently issued proactive measures for personal information controllers and personal information processors to comply with the law,” ani Privacy Commissioner John Henry Naga.

“The Data Privacy Act was enacted in 2012 and upon the constitution of the Commission in 2016, it has been actively promoting, educating, and assisting the stakeholders in their common endeavor in complying with the law. By now, we expect PICs and PIPs to have incorporated in their respective processes and implemented necessary measures, to protect data subjects and uphold data privacy rights,” dagdag niya. RNT/SA