Parusa vs grupo, indibidwal na supporter ng CPP-NPA, pinasasabatas

Parusa vs grupo, indibidwal na supporter ng CPP-NPA, pinasasabatas

September 2, 2022 @ 11:17 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang inihain sa House of Representatives na naglalayong parusahan ang mga organisasyon o indibidwal na susuporta o sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang recruitment, operations at financial transactions.

Layon ng House Bill 4324 na protektahan ang publiko partikular ang mga kabataan sa ginagawang recruitment ng makakaliwang grupo.

Sa ilalim ng panukala sinumang miyembro o magiging miyembro ng CPP-NPA-NDF o tutulong dito sa anumang kapasidad gaya ng pagiging messenger at pagbibigay ng financial support ay maaaring patawan ng parusang prison mayor, hindi na maaaring makapagtrabaho sa gobyerno at maaaring kumpiskahin ang kanyang ari arian.

Sa ikalawang offense ay reclusion temporal ang maaaring ikaso at kung sa ikatlo beses ay parusang bitay.

Mayroon namang nakasaad na probisyon sa panukala na maaaring hindi mapatawan ng parusa kung tatalikuran ang pagiging miyembro ng CPP-NPA-NDF at magbabalik loob sa gobyerno.

Ang CPP-NPA na itinatag noong 1973 ay tinuturing na terrorist organization United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand at ng Pilipinas. Gail Mendoza