Parusa vs org, indibidwal na CPP-NPA supporters, pinalagan ng grupo ng abogado

Parusa vs org, indibidwal na CPP-NPA supporters, pinalagan ng grupo ng abogado

September 5, 2022 @ 7:12 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinutulan ng grupo ng mga abogado ang panukalang batas na gagawing tulisan ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at iba pang organisasyon na sumusuporta sa recruitment, operations at financial transactions.

Sinabi ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), ang naturang panukalang batas ay “ill-conceived” at walang iniba sa red-tagging sa ilalim ng Anti-Terrorism Act.

Sa isang kalatas, inihayag ni NUPL President Edre U. Olalia na isa lamang itong magaspang na tangka upang baligtarin ang “evidentiary rules at standards.”

Ang nasabing panukalang batas o House bill 4324 ay inihain sa kamara ni Duterte Youth Party-List Rep. Drixie Mae Cardema

Giit ni Cardema na layon ng panukala na maprotektahan ang kabataan na ma-recruit bilang terrorist fighters.

Sa ilalim ng panukala, ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF at patuloy na sumusuporta dito ay maaring makulong, makumpiska ang kanilang mga pag-aari at idisqualipika sa pagkakaroon ng posisyon sa pamahalaan.

Gayunman, sinabi ng NUPL na puno ng butas ang nabanggit na panukalang batas dahil bumaba ang standard nito ng pagkakarooon ng mabigat na ebidensya oara mapatunayan na ang isang indibidual ay miyembro ng CPP o taga suporta ng naturang grupo. Teresa Tavares