Pasabog ni BB, inaabangan sa Gabi ng Parangal!

Pasabog ni BB, inaabangan sa Gabi ng Parangal!

December 24, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa December 27 ang inaabangang Gabi ng Parangal ng ika-48 edisyon ng Metro Manila Film Festival.

Sa New Frontier ito idaraos kung saan ang magsisilbing hosts ng gabing ‘yon ay sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari.

Ito ang kauna-unahang hosting stint ni BB upon his return to the country makalipas ng pitong taong pananatili sa Amerika.

Hindi ito ang unang beses na magho-host si BB ng awards night.

Back in the 90s ay nagsilbi rin siyang host ng Gawad Urian noong kilala pa siya bilang si Rustom Padilla.

Sa pagkakataong ito’y inaabangan ang mga pasabog na kasuotan niya tulad ng evening gown.

Umuwi si BB sa bansa kamakailan para dalawin ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang Mommy Eva who accompanied her sa pagdalaw sa puntod ng kanyang Kuya Royette.

Magkasama naman silang dumating ni Senator Robin Padilla sa coronation night ng Mutya ng Pilipinas kamakailan.

Samantala, on the MMFF awards night, ayon sa isang insider ay “short and sweet” daw ang magiging takbo nito.

Wala umanong inimbitahang magpe-perform sa gabing ‘yon.

Bilang tradisyon, inaabangan ang mag-uuwi ng Best Festival Picture award dahil dito nakasalalay ang box office success ng pelikulang kalahok.

Siyempre, equally exciting ang mga magwawagi ng major acting awards. Ronnie Carrasco III