Pasahan ng dokumento para sa Bar exams inilipat sa Feb. 15- SC

Pasahan ng dokumento para sa Bar exams inilipat sa Feb. 15- SC

January 18, 2022 @ 7:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilipat ng Supreme Court (SC) ang deadline ng pagpapasa ng orihinal na kopya ng mga dokumento para sa Bar application process, sa Pebrero 15.

Nauna nang inatasan ang mga aplikante na isumite ang mga dokumento sa Enero 31.

“Yet, we recognize that the recent COVID-19 surge and the crippling effects of Typhoon Odette have made it difficult for many examinees to comply with the deadline,” ani Associate Justice Marvic Leonen.

“Thus it is moved to sometime after the Bar examinations,” dagdag pa niya.

Samantala, ang deadline naman ng tatlong Samples Exams na Examplify Tutorial, Sample Bar Examinations, at ng Sample Bar Examination (version 2_8), ay maaaring ipasa hanggang Pebrero 2.

“Bar examinees, we got you covered. In the end, it is your tenacity that will help you endure all these obstacles,” sabi ni Leonen.

“In no time, you will be great lawyers, and by then you will have known that everything was worth it all along. While you make that reality happen, again and again, I say to you: Laban lang,” giit niya.

Isasagawa ange exams sa Pebrero 4 at 6, 2022. RNT/SA