Pasahe sa Grab, dapat may ceiling price

Pasahe sa Grab, dapat may ceiling price

July 5, 2018 @ 7:31 PM 4 years ago


Bibigyan natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang opinyon at komento ni Liza Santos para naman magkaroon ng pagkakataon na maihayag niya ang kanyang saloobin.

Basahin natin.

Lodi (idol) talaga itong GRAB Taxi Services.

Wala na kaming makuhang driver dahil gusto na ng lahat ng mga driver ng mga taxi ay lumipat sa kanila kasi malaki pa sa manager na may MBA ang kita ng mga swerteng nilalang na ito.

Kaya natatakot kami na baka pagdating ng araw ay hindi na uso ang mga taxi at puro na lamang minamaniobra ng kompanya ng GRAB.

Sana i-regulate din sila na parang bigas na may maximum pricing kasi baka balang araw ay manggipit o magsamantala rin sila na gawing sampung piso bawat subo porque kaila­ngan lang. Hehe.

MAGKANO ANG INI-LOBBY

Sa Baguio City, muli na namang sinimulan nina Kap. Biagtan at partner in crime na si alias Nestor ang peryahan (kuno) sa pusod ng palengke katabi lang ng barangay hall ng Ka­yang, Baguio City.

Ang tigas ng pagmumukha ng magpartner na ito. Sa kabila ng inirereklamo na sila ng mga asawang mga tindera dahil sa nagugumon na ang mga mister nila sa pagsusugal ay patuloy pa rin ang operasyon.

Umaga’t gabi ay pinagkukulumpunan ang apat na mesa ng pa-drop ball at color games ng mag-partner na halos ilang metro lang ang layo ng himpilan ng pulisya ng Baguio City.

Magkano ang ini-lobby ng dalawang kumag na ito kay Baguio City COP Supt. Ranil Seculles at muling pinabuksan ang nasabing pasugalan na kung saan ay marami na ang napeperwisyo?

Kapag hindi kumilos si Supt. Seculles, hindi natin siya tatantanan (ika nga ni Mike Enriquez) hanggang hindi niya napa­patigil ang pasugalan ng mag-amo. Hehehehe. – JUAN DE SABOG