Pasahero buking sa ipupuslit na P1M shabu sa Bacolod port

Pasahero buking sa ipupuslit na P1M shabu sa Bacolod port

September 27, 2022 @ 11:26 AM 2 months ago


BACOLOD CITY – HINDI na nakarating pa sa kanyang pupuntahan ng isang hinihinalang drug runner matapos itong maharang ng mga awtoridad sa Bredco port at nakunan ng higit sa P1-M halaga ng shabu Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rhemhon Sonza Dumancas, 36-anyos, at residente ng Barangay Patlad, Dumangas, Iloilo.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Western Visayas (PDEA-6), Bandang 5:00 PM dumating sa Bredco port ang suspek at dumaan ito sa inspection subalit tumanggi saka nagtungo sa comfort room para itapon ang mga droga.

Agad naman nagsagawa ng pagsusuri ang mga awtoridad at nadiskubre ang mga malaking pakete at mga maliit na pakete na nakatali na naglalaman ng pinaniniwalaan shabu.

Nakuha mula sa suspek ang shabu na may bigat na 150 gramo at nagbebenta ng P6,800 bawat gramo na umabot sa halagang P1.2M.

Ayon sa PDEA-Negros Occidental Provincial Office, nakatanggap sila ng report hinggil sa illegal na droga dadalhin sa Iloilo City.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang supplier ng suspek at nagsisilbi itong drug runner.

Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng Bacolod City Police Office Police Station 2 ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002./Mary Anne Sapico