Pasahero ng barko na tumalon sa dagat, nasagip ng PCG

Pasahero ng barko na tumalon sa dagat, nasagip ng PCG

October 14, 2022 @ 6:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard o PCG ang isang lalaki na tumalon sa barko habang naglalayag sa katubigan ng Baco Chico Island sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sa ulat ng PCG District – Southern Tagalog, sakay ng Montenegro Lines ang pasahero nang nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng kanilang paglalayag.

May pinagdadaan umanong problema sa pamilya ang 23-anyos na pasahero mula Odiongan Romblon kaya naisipang magpakamatay at tumalon sa dagat.

Natagpuan ng search and rescue team ang pasahero at agad na iniahon sa tubig.

Dinala ng SAR team ang pasahero sa Calapan Port upang mabigyan ng medikal na atensyon ang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden