Pasahero sa MRT3 pumalo sa 255K

Pasahero sa MRT3 pumalo sa 255K

March 21, 2022 @ 10:25 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga pasahero sa MRT-3 nitong Biyernes, na pumalo sa 255,000, sa kauna-unahang pagkakataon nang magsimula ang pandemya.

Base kay Engineer Michael Capati, director for operations ng MRT-3, ito umano ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero na kanilang naitala sa loob ng dalawang taon. 

Tumaas na sa 248,000 ang average na bilang ng mga pasaherong arawang sumasakay ng tren mula sa 210,000 average daily ridership ng MRT-3, dulot na rin ng pagkakalagay sa rehiyon sa Alert Level 1. RNT/SA