Home OPINION PASASALAMAT SA PANGULO

PASASALAMAT SA PANGULO

NAGHAYAG ng ibayong pasasalamat si National Security
Adviser Eduardo Año kay Pangulong Bong Bong Marcos
Jr. sa patuloy na pagsuporta nito sa National Task Force
to End Local Communist Armed Conflict na binaggit ng

Pangulo sa kanyang ikalawang State of the Nation
Address isang linggo na ang nakararaan.

Mahalagang mabanggit ito dahil si NSA Año ang
nangangasiwa sa mga programa ng NTF-ELCAC lalo na
sa pagbababa ng Barangay Development Program, na
nagbibigay ng mga pangangailangan ng ating mga
kababayan sa malalayong lalawigan. Ang mga barangay
na pagkalayo-layo at dating pinamumugaran at pinepeste
ng CPP-NPA-NDF  na nalinis na ng ating mga sundalo at
mga pulis ay nilalapagan ng BDP upang umusad naman
sa kahirapan.

Ang pagsuporta ni PBBM sa NTF-ELCAC, ayon kay Año,
ay magpapatuloy din sa programang  Enhanced
Comprehensive Local Integration Program na humahawak
naman ng ‘reintegration’ ng mga rebeldeng nagsisisuko
para muling mapabilang sa ‘mainstream society.’

Ang sabi nga ni Año, ang determinasyon ng Pangulo  ay
nangangahulugang seryoso itong masolusyunan ang mga
paghihirap ng ating mga kababayan sa mga kanayunan
na naipit lamang sa panggugulo ng CPP-NPA-NDF.

Ang paglalahad ni PBBM nang pagbibigay ng amnestiya
sa mga rebelde ay ikinatuwa ni Año. Paano nga naman ay
mapadadali para sa mga nagugulumihanang mga
miyembro ng komunistang-teroristang magbalik-loob na
sa pamahalaan para mabigyan pa sila ng iba't ibang
tulong pangkabuhayan.

Malaking bagay ito para kay Año dahil marami ang
mahihikayat nitong rebelde at mababawasan ang
posibleng sagupaan sa pagitan ng bawat panig ng CPP-
NPA-NDF at Armed Forces of the Philippines. Magiging
madali rin ang pagpapatupad ng mga programang BDP at
E-CLIP kung tatanggapin ng mga natitira pang ng CPP-
NPA-NDF ang alok na amnesty ng pamahalaan.

Sa pasasalamat ni Año, sinabi nitong mabibigyan ng
bagong buhay at pag-asa ang mga rebeldeng tatanggapin
ang amnesty at makakapag-concentrate naman ang
Sandatahang Lakas sa hinaharap na panganib ng bansa
bunga ng girian sa karagatan.

Maipapatupad nga naman nang mahusay ang ating
pagkakapanalo sa 2016 Arbitral Award na nagtatalaga ng
ating pagmamay-ari sa  West Philippine Sea. Dahil wala
nang ibang tutukan ang AFP kung di ang bantayan ang
ating mga teritoryo kung wala nang balakid gaya ng CPP-
NPA-NDF.

oOo oOo oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!

Previous articleMGA USONG SAKIT SA PAGTAMA NG EL NIÑO PHENOMENON
Next article‘MASS GRAVES’ SA BILIBID?