Pasaway na bar examinees niligwak sa Bar

Pasaway na bar examinees niligwak sa Bar

February 6, 2022 @ 12:14 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Diskwalipikado sa Bar examination ang ilang examinees na nadiskubreng lumabag sa mga patakaran sa pagkuha ng pagsusulit.

Sinabi ni Bar Chairperson Associate Justice Marvic Leonen, nakatangap siya ng mga ulat na Ilan sa mga bar examinees ay lumabag sa honor code gaya ng hindi pagdedeklara na nagpositibo sila noon sa COVID, pagpuslit ng cellphones sa loob ng examination rooms, at pag-access sa social media sites kapag lunch break.

Dahil sa mga paglabag nagdesisyun si Leonen na idiskwalipika ang mga hindi binanggit na bilang ng examinees.

Nilinaw naman ni Leonen na ang diskwalipikasyon sa mga ito ay para lamang sa 2020/2021 bar examination.

Samantala, iniulat ni Leonen na 219 na bilang ng mga examinees ang hindi nakakuha ng pagsusulit matapos magpositibo sa Covid19. Teresa Tavares