Pasaway sa bike lane sa Valenzuela tatapalan ng P3K multa

Pasaway sa bike lane sa Valenzuela tatapalan ng P3K multa

February 19, 2022 @ 2:50 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Aabot P3,000 multa ang naghihintay sa magpapasaway sa ipinatutupad na No Contact Apprehension Program sa bike lane sa Valenzuela City.

Sa unang paglabag ay P2,000 multa ang babayaran; P2,500 sa ikalawa at; P3,000 para sa ikatlo at mga kasunod na paglabag.

Sa ilalim ng programa, bawal ang pagdaan o pagbaybay ng mga pribado at pampublikong sasakyan at motorsiklo sa bike lane.

Maaari lamang dumaan ng mga sasakyang pribado at iba pang motorista sa bike lane kung liliko o papasok sa mga establisyemento o intersection, at nararapat na gumamit ng signal light tuwing gagawin ito.

Bawal din ang iligal na pagparada at obstruction sa bike lane, maging ang pagbaba at pagsakay ng pasahero ng mga pampublikong jeepney, bust at iba pang public utility vehicles nang hindi nakatapat sa itinalagang loading/unloading areas ng lungsod. Merly Iral