Pasay City police naghigpit na vs magtatampisaw sa Manila Bay

Pasay City police naghigpit na vs magtatampisaw sa Manila Bay

October 4, 2021 @ 10:27 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 100 indibidwal ang tinikitan ng Pasay City police makaraang mahuling naliligo sa breakwater sa kahabaan ng Macapagal Boulevard sa Pasay City.

Dahil dito, hinigpitan na ng pulisya ang kanilang pagbabantay sa nasabing katubigan.

Agad na inatas ni Pasay City police chief P/Colonel Cesar Paday-os, ang kanyang mga tauhan na magdagdag ng pulis sa lugar.

Iniatas niya rin ang paglalagay ng karatula na nagsasabing “Bawal Maligo” para wala nang maidadahilan pa ang mga nagbabalak maligo sa lugar na hindi nila alam an kautusan ng lokal na pamahalaan. James I. Catapusan