Pasay hotel nagliyab!

Pasay hotel nagliyab!

July 3, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasunog ang isang hotel isa Pasay City nitong Lunes ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Bataysa ulat ng BFP-National Capital Region Public Information Office nagsimula ang apoy sa kusina ng Sofitel Philippine Plaza Manila.

Itinaas ang sunog sa first alarm kaninang alas-11:37 ng umaga.

Nakontrol naman ito pagsapit ng alas-12:01 tanghali at tuluyang naapula kaninang alas-12:09 ng tanghali.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibang inilalabas na detalye ukol sa insidente. RNT/SA