Pasay LGU nakibahagi sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month

Pasay LGU nakibahagi sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month

July 7, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na lagging nakahanda ang lokal na pamahalaan sa pagresponde sa anumang mangyayaring sakuna kaugnay sa pakikibahagi ng lungsod sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month.

Ayon kay Calixto-Rubiano, tulad ng isang Girl Scout na itinataguyod ang sarili upang maging isang responsable sa pamumuno at sa pagiging matatag na isang katangian ng kanyang ina, nakahanda siya sa mga esensyal na kaalaman at kasanayan sa pagresponde sa anumang darating na sakuna sa lungsod.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na nakahanda rin ang lokal na pamahalan sa mga nararapat, well researched, at episyenteng plano gayundin sa mga kinakailangang kagamitan at sasakyan na magreresponde sa kahit anong sakuna na darating tulad ng sunog, lindol at bagyo.

Nakahanda rin ang lokal na pamahalaan sap ag-implementa ng sapilitang paglikas sa mga lugar na matiding tatamaan ng bagyo, pagpapatupad ng contingency plan kung sasapit ang panahon ng sunog at lindol, pagsasagawa ng malawakang massive information at education drive pati na rin ang pagsisimula ng early warning flag system.

Ngpasalamat din si Calixto-Rubiano sa mga residente ng lungsod sa pagsunod ng mga ito sa EMI habit (ensure to always wash your hand, mask is must and implement physical distancing) na malaki ang naitulong sa pagpigil ng COVID-19 sa lungsod kung kaya’t nakapagtala na lamang ang City Health Office (CHO) ng apat na aktibong kaso ng virus sa lungsod.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na nagbibigay din ng support ang lokal na pamahalaan sa apat na pasyente ng virus at sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga masusutansyang food packs na naglalaman ng limang kilo ng biga, putas, gulay, gatas, gayundin ng mga ready-to-eat na pagkain. James I. Catapusan