Pasay mayor nagpasalamat sa DENR sa water quality monitoring treatment

Pasay mayor nagpasalamat sa DENR sa water quality monitoring treatment

November 7, 2020 @ 12:20 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinasalamatan kahapon ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang kagawaran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalagay ng naturang ahensya ng pitong solar-powered water monitoring buoys sa baybayin na nasasakupan ng naturang lungsod.

Partikular na pinasalamatan ni Calixto-Rubiano si DENR Secretary Roy Cimatu at ang SM Prime Holding Company sa pagkakapili sa lungsod na mapanatiling malinis ang baybayin sa nasasakupang teritoryo at hurisdiksyon ng Pasay.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang layunin sa paglalagay ng water monitoring buoy upang makapagbigay ng real-time, tumpak at mapagkakatiwalaang kalidad ng pagsusukat sa nasasakop na baybayin ng lungsod.

Sa panig naman ni Cimatu, sinabi ng kalihim na malaki ang maitutulong ng mga monitoring buoys sa 13 ahensya ng gobyerno sa kanilang paglilinis, pagre-rehabilitate at pagpre-preserba ng Manila Bay base na rin sa mandamus na inisyu ng Korte Suprema noong 2016.

Ipinakita din ng DENR kay Calixto-Rubiano kung papaano makatutulong ang mga inilagay na water buoys sa pagmo-monitor ng temperatura ng tubig dagat, lebel ng oxygen nito, labo at lalim ng tubig gayundin ang pamamalagi ng kemikal sa tubig dagat na bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay. (James I. Catapusan)


  •  
  •  
  •  

Loading...