Pasay nananatiling COVID-free

Pasay nananatiling COVID-free

April 13, 2022 @ 10:54 AM 3 months ago


MANILA, Philippines-Napanatili ng lungsod ng Pasay ang pagiging COVID-19 free makaraang walang bagong kaso ng virus ang naitala nitong Abril 12 (Martes).

Base sa COVID-19 update ng City Epidemilogy and Disease Surveillance Unit (CEDSU), sa kabuuang 28,842 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay 28,257 indibidwal ang mga nakarecover at tuluyan nang gumaling o katumbas ng 98 porsiyentong recovery rate.

Nakapagtala naman ng 585 na mga namatay sa virus sa lungsod o may death rate na 2 porsiyento.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, patuloy pa rin ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan upang masugpo at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang sakit sa lungsod.

Pinaalalahanan ni Calixto-Rubiano ang mga residente na ipagpatuloy na din lamang ang pagsunod sa ipinapatupad na health protocols o EMI habit (E-nsure to always wash your hands; M-ask is a must; at I-mplement physical distancing) gayundin ang paniniguro ng sapat at maayos na bentilasyon sa kanilang lugar na pinupuntahan.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na kanya ring pinapayuhan ang mga residente na maaari tumawag sa hotline number ng lungsod na (0956)778-6524 para sa pagre-report sa lugar ng mga may kaso ng COVID-19. James I. Catapusan