Pasay vaccination certificate assistance team kinilala ng DOH

Pasay vaccination certificate assistance team kinilala ng DOH

May 21, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binigyang-pugay ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang vaccination certificate assistance team ng lungsod makaraang kilalanin ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) dahil sa ipinakita nitong husay sa pagseserbisyo sa publiko.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na si Chesca Catu na namumuno ng Pasay City vaccination certificate assistance team ay binigyan ng komendasyon ng DOH-MMCHD dahil maaasahan ito sa pagbibigay ng serbisyo hindi lamang sa mga residente ng lungsod kundi pati na rin sa mga nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Calixto-Rubiano, ikinararangal ng lokal na pamahalaan si Catu at ang kanyang buong team dahil sa mga papuri na nanggagalings sa maraming kliyente na nangangailangan ng vaccination certificates.

Ani pa Calixto-Rubiano, ilan lamang sa mga pumuring kliyente kina Catu at kanyang grupo ay si April Casquejo na bumisita kamakailan sa Pasay City Hall upang makakuha ng vaccination certificate na nagsabing naging episyente, epektibo at mababait ang mga ito sa pagtulong sa kanya.

Sinang-ayunan naman ng isa pang kliyente na si Elsie Berico si Casquejo at nagkomento din ng kanyang karanasan na napaka-friendly at accommodating ang grupo ni Catu. James I. Catapusan