Pasensya ng Pinoy sa West PH Sea, may limitasyon- PH envoy

Pasensya ng Pinoy sa West PH Sea, may limitasyon- PH envoy

November 24, 2022 @ 10:49 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na darating ang panahon na tatayo na ang Pilipinas para sa laban nito sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Romualdez na mataas ang pasensiya ng mga mamamayang filipino subalit may limitasyon.

“We have just sat by and just tried our best to talk to them to try and just simply allow our fishermen to fish,” ayon kay Romualdez.

“But you know, the Filipino patience has also its limits. And I know that…one day, I hope it never happens, that the Filipino will rise up and say enough is enough,” dagdag na pahayag nito.

Umaasa si Romualdez na ang paninindigan na ito ay makarating sa mga humahamon sa territorial rights ng bansa.

Ang pahayag na ito ni Romualdez ay bilang tugon na rin sa naging pangako ni US Vice President Kamala Harris, nakaalis na ng bansa matapos ang working visit, na nasa tabi ng Pilipinas ang Estados Unidos sakali at magkaroon ng anumang armed attack sa armed forces nito o assets sa South China Sea.

Sinabi ni Romualdez na napakahalaga sa bansa na ang West Philippine Sea ay pag-aari nito.

“There’s nothing that will make us move otherwise. And I think President Marcos said that very well—we will not give up one inch of our territorial waters,” wika ni Romualdez.

“And if our allies like the United States will help us, of course, we will. We not only welcome it, we are very happy with that kind of commitment coming from an ally like the United States,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose