Pasig River Ferry Service ops, suspendido sa Dec. 24-25

Pasig River Ferry Service ops, suspendido sa Dec. 24-25

December 22, 2022 @ 4:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sususpindehin ng Pasig River Ferry Service ang operasyon nito sa December 24 at 25, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa abiso, sinabi ng MMDA na magkakasa ang ferry service ng half-day operations sa Biyernes.

Samantala, inihayag ng ahensya na balik-normal ang operasyon ng ferry service sa Lunes.

Sinabi ng MMDA na ilan sa landmarks malapit sa 13 ferry stations ay nasa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, at Quinta. RNT/SA