PasigPass app ‘di hinihingi para makapasok ng Pasig

PasigPass app ‘di hinihingi para makapasok ng Pasig

November 27, 2020 @ 7:06 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto na walang katotohanan ang kumakalat na pekeng balita kung saan hinihiling ng mga traffic enforcer na gumamit ng contact tracing application na PasigPass para makapasok sa lugar.

“May nagkakalat ng tsismis na  i-che-check ng mga traffic enforcers ang Pasig Pass…. Wala itong katotohanan,” lahad ni Sotto sa Twitter.

“Kaya para di na po tayo malito, sa mga VERIFIED PAGES na lang tayo magbasa ng announcements.”

Ang mga sumusunod na establisimyento ang nangangailangan ng pag-scan ng QR codes gamit ang PasigPass app:

  • city government institutions and offices

  • malls

  • financial institutions

  • health facilities

  • religious institutions

  • commercial establishments or offices with 30 persons or more

  • educational institutions

  • factories

  • restaurants

  • motels, inns or hotels

  • public transportation

 “Under the PasigPass ordinance, a PasigPass QR code will now be a requirement for entry to business establishments in Pasig City. Some establishments such as malls have already started implementing a ‘No PasigPass, No Entry,” saad sa pahayag ng Pasig Public Information Office tungkol sa contact tracing app.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...