PasigPass gagamiting vaccine pass



PasigPass gagamiting vaccine pass

June 9, 2021 @ 5:48 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magsisilbing vaccine pass ng mga binakunahan sa Pasig City ang contact tracing app ng lungsod kung ipatutupad ng gobyerno ang nasabing polisiya.

“PasigPass has integrated contact tracing data with vaccination records. Ibig sabihin, kapag may pahintulot na ng IATF, maaari rin itong gamitin bilang ‘vaccine pass,'” saad ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang tweet.

“No need to download anything new. As long as you were vacc’ed in Pasig, your records are integrated,”

Ang PasigPass ay isang QR code system na ginamit sa contact tracing sa lungsod.

Gagamitin na rin ang app sa pagkuha ng appointment sa mga vaccination site.

Ilang mambabatas at ahensya na ang tutol sa vaccine pass dahil anila maaari itong pagsimulan ng diskrimasyon.

Batay sa inilatag na rekomendasyon ng gobyerno, ang mga bakunado ay magbibigyan ng insentibo upang mahikayat ang maraming Filipino na magpabakuna. RNT/ELM


  •  
  •  
  •