Paskong naka-Alert level 1 sa Pinas ina-assess pa — Nograles

Paskong naka-Alert level 1 sa Pinas ina-assess pa — Nograles

December 7, 2021 @ 7:08 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Maingat ang Malakanyang sa pagpapatupad ng “most lenient alert level classification” sa kahit na saan mang bahagi ng bansa sa gitna ng pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasalukuyan pa ring nasa proseso ng pagmo-monitor ang bansa sa bagong Omicron variant na mahalagang parametro sa pagpapatupad ng Alert Level 1.

“We’re monitoring Omicron very closely at inaabangan din po namin kung ano yung magiging final na findings ng WHO at sa ating mga (and we’re also waiting for the final findings of the World Health Organization and our) health experts internationally as well,” ayon kay Nograles.

“Because everyone is monitoring kung ito bang (if this) Omicron is more fatal –yun yung pinakainaabangan natin (that’s what we are waiting for the most)–if it is more fatal, if it is more severe, it it is indeed more transmissible. So we still await the final word from the WHO,” dagdag na pahayag nito.

Habang hinihintay ang naging findings ng WHO, isinasapinal pa ng interagency task force (IATF) ang parametro para ilagay ang isang lugar sa ilalim ng “most lenient alert level.”

Nakatakda namang magpulong ang IATF, sa araw ng Huwebes, Disyembre 9 para talakayin ang bagay na ito.

“Hopefully we can get something more substantial from the WHO with regards to the Omicron. If not, then we have to continue yung pag-aaral ng IATF with regard sa anong mga final parameters natin sa alert level 1,” ani Nograles.

Binigyang diin nito na ayaw niyang i- preempt ang desisyon ng IATF o ang findings ng mga eksperto sa Omicron variant.

“We will discuss that in the IATF meeting this coming Thursday because the IATF necessarily being the interagency have to get the inputs from the different cabinet members and from the different agencies and departments of the government, then will come up with a consensus decision,” dagdag na pahayag nito..

Ang Kalakhang Maynila o ang National Capital Region, kabilang na ang karamihan sa lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng alert level 2 sa gitna ng paglitaw ng bagong Omicron variant.

Ang alert level ay epektibo hanggang Disyembre 15. Kris Jose