Paslit binugbog ng adik na ama

Paslit binugbog ng adik na ama

September 26, 2022 @ 5:57 PM 2 months ago


COMPOSTELA, Cebu – Agaw buhay ngayon sa ospital ang 1-anyos na batang lalaki matapos bugbugin ng sariling ama na lango sa illegal na droga nitong Biyernes sa Purok Nangka, Barangay Basak, Compostela, Cebu.

Naka-confine ngayon sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, Cebu ang bata at nakatakdang isailalim sa operasyon dahil sa mga namumuong dugo sa ulo.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek at ama ng batang kambal maging ang kanilang ina na pinabayaan na lamang ang bata na naghihingalo.

Kuwento ng kapatid ng suspek, nagulat na lamang niya ng makita ang kanyang pamangkin na kambal na isang babae at lalaki na may pasa sa katawan habang ang biktima ay hindi na humihinga.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa pulisya para dalhin sa ospital ang mga bata at para lapatan ng lunas.

Kwento ng kaanak, madalas na sinasaktan ng suspek ang kanyang mga anak lalo na kapag lango ito sa droga.

Inihahanda na rin ang mga kasong isasampa laban sa mga magulang ng kambal. Mary Anne Sapico