Paslit dedo sa nalaglag na baril ng amang parak

Paslit dedo sa nalaglag na baril ng amang parak

October 5, 2022 @ 12:55 PM 2 months ago


NUEVA ECIJA- Dinakip ng kanyang mga kabaro ang isang pulis matapos aksidenteng mabaril ang 1-anyos nitong anak, kamakailan sa San Jose City.

Kasalukuyan nakakulong sa San Jose City Police Station at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang suspek at ama ng biktimang si Patrolman Crisdie Manuel, 33, nakatalaga sa Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kararating lamang ng suspek sa kanilang bahay at ibinababa ang kanyang mga gamit pati ang .9mm na baril.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Marlon Cudal, hepe ng San Jose Police Station, bumagsak ang baril ni Manuel at aksidenteng tinamaan ang 1-anyos na anak nito sa dibdib.

Agad naman naisugod sa ospital ang bata subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Nagpaalala naman ang PNP sa mga may-ari ng baril na palaging ingatan ang kanilang armas gaya ng pag-iingat sa kanilang buhay./Mary Anne Sapico