Paslit dinalirot ng tambay sa Bulacan

Paslit dinalirot ng tambay sa Bulacan

April 4, 2022 @ 3:20 PM 3 months ago


BULACAN – Kalunos-lunos ang sinapit ng siyam na taong gulang na babae nang ipasok sa kanyang ari ang daliri ng 39 anyos na lalaki sa harap ng bahay niya sa San Jose Del Monte.

Kinilala ang suspek sa alyas Osmar, may-asawa, walang trabaho at tubong Maynila habang ang biktima ay itago sa pangalang “Zian”, grade 3 student kapwa residente ng Barangay Muzon.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 3:00 ng hapon nitong Linggo, Marso 3.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, masayang pinapanuod ng biktima ang kanyang kapatid na lalaki habang nakikipaglaro sa harapan ng bahay ng anak ng suspek.

Nilapitan at tinabihan ng suspek ang biktima hanggang sa ipaloob ang kanyang kamay sa salawal nito at ipasok ang daliri sa kanyang ari.

Sa takot ng biktima ay hindi na ito nakapalag subalit nang kumirot ang ari ay napatayo siya at inayang pauwi ang kapatid.

Dahil dito, sinabi niya ang masamang nangyari sa kanyang ina na agad humingi ng tulong sa barangay kaya nahuli ang suspek at isinuko naman sa pulisya kalaunan.

Nakatakdang ipasuri ang biktima sa Regional Forensic Unit 3 para sa Medico-Legal Examination habang ang suspek ay nahaharap sa kasong rape (RA 8353) in relation to RA 7610. Dick Mirasol III