Paslit nahulog sa tri-cab, patay

Paslit nahulog sa tri-cab, patay

January 11, 2023 @ 1:01 PM 3 weeks ago


EL SALVADOR CITY- Maagang binawian ng buhay ang 5-anyos na batang lalaki matapos mahulog sa minamanehong tri-cab ng kanyang ama, kahapon, Enero 10 sa bayan ito.

Hindi na umabot pang buhay ng idating sa ospital ang biktima si Edwin Gabule, at residente ng Brgy. Tambaling, Salvador City, Misamis Oriental.

Ayon kay Lt. Col. Raymond Raypon Lumapay, hepe sa El Salvador City Police Office, umaga kahapon ng maganap ang insidente Zone 6, Brgy. Poblacion, El Salvador City, Misamis Oriental.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng amang si Edmar Gabule, 36-anyos, ang tri-cab sakay ang kanyang anak (biktima) ng bigla na lamang itong nagpreno.

Hindi napansin ng ama na hindi nakahawak ang anak sa tri-cab kaya tumilapon ito sa kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na naging sanhi ng kamatayan. Mary Anne Sapico