Paslit nalunod sa dagat sa Navotas

Paslit nalunod sa dagat sa Navotas

September 14, 2022 @ 11:58 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Namatay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki matapos umanong mahulog at malunod sa dagat nang makatulog ang kanyang ina sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Sa pahayag ng 21-anyos na ina ng biktima kay Navotas police investigator PSSg Reysie Peñaranda, nakatulog siya sa loob ng kanilang bahay sa No. 60 A Lambatan Compound, Dulong Santiago, Brgy. Sipac-Almacen kasama ang kanyang anak.

Nang magising siya dakong ala-1:30 ng hapon ay wala na sa kanyang tabi ang anak niya na naging dahilan upang kaagad niyang tinawag ang kanyang asawa saka hinanap nila ang kanilang anak.

Kalaunan ay nakita na lamang nila ang biktima na lumulutang sa seabed ng Santiago St., Brgy. Sipac-Almacen kaya’t kaagad na tumalon sa tubig ang ama para iligtas ang kanyang anak.

Kaagad na isinugod ng mag-asawa ang kanilang anak sa Navotas City Hospital subalit, i-dineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician dakong ala-1:47 ng hapon. Boysan Buenaventura