Paslit nalunod sa ilog sa Navotas

Paslit nalunod sa ilog sa Navotas

September 7, 2022 @ 11:22 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Namatay ang isang sanggol na lalaki matapos umanong mahulog at malunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Florencio Nalus, nakatulog ang ina kasama ang biktima at nang magising siya dakong ala-1:30 ng hapon ay wala na sa kanyang tabi ang baby niya.

Hinanap ng ina ang kanyang anak at nagtanong tanong siya sa mga kapitbahay nila na kanila ring mga kamag anak subalit, hindi nila nakita ang biktima.

Kasunod nito, laking gulat ng ina nang makita nalang niya ang biktima na nakalutang sa ilog sa seashore ng Kahunari 1 St., Brgy. San Jose kaya agad itong humingi ng tulong sa kanyang pinsan.

Kaagad tumalon sa tubig ang kanyang pinsan at kinuha ang biktima saka mabilis na isinugod sa Navotas City Hospital subalit, idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician dakong alas-3 ng hapon. Boysan Buenaventura