Paslit napisak sa rumaragasang 10-wheeler truck

Paslit napisak sa rumaragasang 10-wheeler truck

April 23, 2022 @ 1:58 PM 2 months ago


CAGAYAN- Pisak ang inabot ng  isang  paslit  matapos  masagasaan  ng rumaragasang ten-wheeler truck  sa  bahagi  ng  national  highway Paradise  Gonzaga, Cagayan.

Halos nagkalasug-lasog  ang  buong  katawan ng 2-anyos na biktima na residente  ng  Purok  #7 sa nasabing  lugar.

Nabundol at  nagulungan  ng  truck  na  may  plakang WDA-821   na  minamaneho  ni  Joseph Pabroa, 31-anyos na residente ng Villaluz San Mateo Isabela  ang  biktima.

Batay  sa imbestigasyon ng pulisya, biglang tumawid  ang  biktima  sa  highway  na  eksaktong  padaan  naman  ang  truck habang  binabaybay  ang  kahabaan  ng highway.

Binawian  ng buhay  ang  bata habang   ginagamot  sa APEM  hospital sa nasabing  bayan.

Boluntaryong  sumuko  sa  pulisya  ang suspek  na si  Pabroa.

Posibleng kakasuhan si Pabroa  ng Reckless Imprudence Resulting to  Homicide kung walang mangyayaring aregluhan. Rey Velasco