Paslit nawawala sa lumubog na bangka sa Cebu

Paslit nawawala sa lumubog na bangka sa Cebu

January 2, 2023 @ 7:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nawawala ang limang-taong-gulang na batang lalaki matapos na lumubog ang isang motorbanca sa dagat na sakop ng San Fernando, Cebu nitong Linggo ng gabi, Enero 1.

Ayon sa Philippine Coast Guard – Central Visayas nitong Lunes, Enero 2 ay nagkasa na agad sila ng search and rescue operation upang hanapin ang nawawalang bata.

Sa kabila nito, 23 pasahero naman ang nailigtas.

Sa impormasyon, umalis sa Barangay Sangat, San Fernando ang hindi pa tukoy na motorbanca sakay ang 24 na pasahero patungo sana sa Calape, Bohol para dumalo sa pagtitipon ng isang pamilya.

Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation hanggang sa oras ng pagkakasulat nito. RNT/JGC