Paslit patay sa nahulog na bisikleta sa irigasyon

Paslit patay sa nahulog na bisikleta sa irigasyon

July 12, 2022 @ 3:42 PM 1 month ago


PUDTOL, APAYAO- Patay ang isang 2-anyos na lalaki matapos mahulog ang sinasakyang bisikleta sa irigasyon canal sa Brgy. San Luis dito sa nasabing bayan.

Pansamantalang hindi na pinangalanan ang biktima na residente sa nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya kasamang naglalaro ang biktima ang dalawang iba pa habang sakay ito ng bisikletang may side car malapit sa naturang irigasyon.

Aksidenteng nahulog ang bisikleta dahilan para mahulog ang biktima sa irigasyon hanggang sa tuluyan nalunod.

Wala ng buhay ng matagpuan ang biktima ng mga kapulisa  at search and rescue operation team. Rey Velasco