Paslit sekswal na inabuso ng lolong manyakol

Paslit sekswal na inabuso ng lolong manyakol

November 11, 2022 @ 3:14 PM 3 weeks ago


Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng 3 anyos na babae na umano’y inabuso ng 62 anyos na matandang binatang
construction worker sa bayan ng Marilao.

Kinilala ang naarestong suspek na si Rizaldo Ragel, residente ng Brgy. Lias habang ang biktimang paslit ay itinago sa pangalang “Zoe” ng Brgy. Sta. Rosa 2.

Sa report ng Marilao police, nangyari ang insidente ng sekswal na pang-aabuso nitong Nobyembre 9 sa Brgy. Lias.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon at base na rin sa ama, isang tawag sa telepono ang kanyang natanggap mula sa lola ng biktima na umano’y inabuso ang kanyang anak ng suspek.

Agad siyang umuwi hanggang sa nakumpirma ang kababuyang nangyari kaya humingi sila ng saklolo sa barangay na kagyat humuli sa suspek at isinuko sa pulisya kalaunan.

Napagalamang nakatakdang pumunta ang biktima sa RFU 3 Camp Olivas, San Fernando, Pampanga para sa genital examination habang ang suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III