Paslit tigok sa SUV; drayber sumuko na

Paslit tigok sa SUV; drayber sumuko na

September 27, 2022 @ 9:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa kustodiya na ng Parañaque City police matapos sumuko nitong Setyembre 26 ang drayber ng sports utility vehicle (SUV) na nakasagasa sa isang tatlong taong gulang na bata na kinalaunan ay namatay din sa ospital.

Kinilala ni Parañaque City police chief P/Col. Renato Ocampo ang sumukong suspek na si Rodolfo Codiamat, 68, residente ng Reymond Village, Parañaque City.

Agad namang naitakbo kung saan idineklarang dead on arrival sa Medical Center Hospital ang biktimang si Rheymarie Joy Sampang, residente ng of Area 1 Bodoni, Fourth Estate, Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Sinabi ni Ocampo na base sa report na kanyang natanggap, nangyari ang aksidente dakong alas 5:00 ng hapon nitong nakaraang Setyembre 20 sa kanto ng Bodini and Extra Streets at Fourth Estate, Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Napag-alaman na binabagtas ni Codiamat lulan ng kanyang minamanehong Toyota Fortuner na may plate number NCV 4752 ang kahabaan ng Bodoni Street at nang bago makarating sa Extra Street ay nasagasaan ng sasakyan ng suspect ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Si Codiamat ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Parañaque City police at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Parañaque City prosecutor’s office. James I. Catapusan