Paslit tumilapon sa tricycle, pisak sa dyip!

Paslit tumilapon sa tricycle, pisak sa dyip!

September 4, 2022 @ 9:53 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang taong gulang na sanggol na babae matapos na mahulog sa sinasakyang triaysikel at nasagasaan ng kasunod na jeep nitong Biyernes ng umaga sa Teresa, Rizal.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nitong Biyernes ng umaga ay sakay ang buong pamilya sa isang traysikel na Kawasaki Barako (For Registration) na kulay itim na minamaneho ng padre de pamilya na si Joseph R. Ramirez habang tinatahak ang kahabaan ng National Road.

Pagsapit sa J. Sumulong Avenue, Barangay Bagumbayan, Teresa Rizal ay bigla na lamang nahulog ang sanggol na kinilalang si Jozella Ramirez habang hawak ng kanyang kapatid at nasagasaan naman ng kasunod na jeep mula sa Antipolo patungong Tanay na minamaneho ni Jayson F. Curioza na may plakang DWX-939.

 

Panoorin: Paslit tumilapon sa tricycle, pisak sa dyip!

 

Nagawa pa itong maisugod sa St. Therese Hospital, subalit binawian rin ng buhay. Hindi pa rin malaman ang dahilan kung paano nahulog ang bata sa pagkakahawak ng nakakatandang kapatid.

Iniimbestigahan naman ng mga pulis ang ama at jeepney drayber para tingnan kung may kasalanan din ang mga ito sa nangyaring insidente. Toto Nabaja