Paslit utas sa ligaw na bala sa NegOc

Paslit utas sa ligaw na bala sa NegOc

December 8, 2021 @ 8:24 AM 10 months ago


BACOLOD CITY – Patay ang magdadalawang taong gulang na paslit sa ligaw nab ala sa Purok Malunao, Barangay Caduha-an, Cadiz City, Negros Occidental nitong Linggo, Disyembre 5.

Sa ulat ni Police Lt. Alfonso Precia, deputy police chief ng Cadiz City Police Station, sumakabilang buhay ang paslita bandang 11:30 p.m. sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital nitong Disyembre 6.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Precia na naglalaro lang ang bata sa loob ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya nang umalingawngaw ang tunog ng baril.

Isa pang putok ng baril ang narinig at matapos nito ay lumusot ang isang bala sa kanilang bahay.

Ilang sandal lang ay biglang tumumba ang bata na duguan na ang ulo.

Disyembre 7 nang sumuko sa mga pulis ang isang forest ranger na kinilalang si Nomar Ayan Berto, 46, ng Barangay Caduha-an at inaming nagpaputok siya ng  .45 caliber, Linggo ng hapon.

Si Berto ay sinasabing kamag-anak ng pamilya ng biktima at ngayon ay nakakulong na. RNT