Pasok sa Central Visayas suspendido sa COVID surge, pinsala ng #OdettePH – DepEd

Pasok sa Central Visayas suspendido sa COVID surge, pinsala ng #OdettePH – DepEd

January 27, 2022 @ 1:06 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sinuspinde na ng Department of Education ang lahat ng klase sa Central Visayas mula Enero 24 hanggang 31 dahil sa pinsala ng bagyong Odette at tumataas na kaso ng COVID sa rehiyon.

Sa inisyung Regional Memorandum No. 052-2022 ni Dr. Salustiano Jimenez ng Department of Education-Central Visayas (DepEd-7), pasok dito ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

“Due to the increasing number of COVID-19 cases in the entire region and the effects of the onslaught of Typhoon Odette, this office is announcing the suspension of classes in areas under Alert Level 3 within the region,” ani Jimenez.

Inatasan din nito ang lahat ng opisyal ng mga paaralan na magkaroon ng adjustment sa school calendar base na rin sa Republic Act 11480 o ang pagpapalawig nito ng 200 hanggang 220 araw.

“All the synchronous and asynchronous classes shall be put on hold while the submission of academic requirements and conduct of other teaching-related activities must be moved to a later date.”

“For late submission of requirements, accommodations must be afforded for those with valid reasons.”

Ibinigay naman sa mga pribadong paaralan ang desisyon sa pagsususpinde ng klase. RNT/FGDC