Pasok sa Comelec, Senado suspendido na bukas

Pasok sa Comelec, Senado suspendido na bukas

September 25, 2022 @ 3:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Commission on Elections ang ilang mga opisina nito bukas dahil sa masamang panahon dala ng super typhoon Karding.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, kabilang sa mga sinuspinde ang trabaho sa mga Comelec offices ay sa Region III, IV-A, IV-B, V, at National Capital Region (NCR).

Dahil dito, pinaalalahanan ng Comelec ang publiko na ang issuance ng voter’s certification at lahat ng iba pang frontline services sa mga nabanggit na apektadong rehiyon ay suspendido rin.

Sa kaugnay na balita, inanunsyo na rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na suspendido rin session at pasok sa Senado bukas, Setyembre 26.

Ayon kay Zubiri, magbabalik sa Martes, Setyembre 27 ang sesyon sa Senado.

Ang bagyong Karding ay nananalasa na sa ibang lugar at maraming lugar na ang inilagay sa storm signal number 4 at 5. Jocelyn Tabangcura-Domenden