Pasok sa gov’t offices sa Maynila, Marikina bukas suspendido na

Pasok sa gov’t offices sa Maynila, Marikina bukas suspendido na

September 25, 2022 @ 1:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinuspinde na ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pasok sa lahat ng opisina sa Manila City Hall maliban sa mga departamento na nakatalaga sa pagtugon sa disaster at emergency.

Ayon sa tagapagsalita ni Lacuna na si Atty. Princess Abante, ang pagsususpinde sa mga pribadong kompanya ay nasa pagpapasya ng kanilang mga employer.

Ayon pa kay Abante, simula ngayong araw ay nasa “red alert” status na ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at mga opisina ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan dito.

Magpapatuloy naman ang isinasagawang “declogging operation” upang mabawasan ang pagbaha sa lungsod at ang pre emptive evacuation para sa mga residente sa mga baybayin ay nagpapatuloy. Inihahanda na rin ang iba pang evacuation centers. Bukas din ang mga Health Center para sa anumang posibilidad na pangangailangan dito.

Sa kaugnay na balita, nag-anunsyo rin ang Lungsod ng Marikina na suspendido na ang pasok sa government offices bukas, Setyembre 26 ayon sa public information office ng lungsod. JAY Reyes