Pasok sa gov’t offices sa Maynila, suspendido na ngayong hapon

Pasok sa gov’t offices sa Maynila, suspendido na ngayong hapon

December 23, 2022 @ 12:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Biyernes, Disyembre 23 ang half-day work suspension sa pasok sa mga pampublikong opisina ng City Hall simula ala-1 ng hapon ngayong araw.

Ito ay upang bigyang-daan ang paghahanda ng mga tauhan nito sa nalalapit na Pasko.

Dagdag pa rito, inanunsyo na rin ang half-day work sa darating na Disyembre 29 bilang paghahanda naman sa Bagong Taon.

Sa executive ordfer na inilabas ni Manila Mayor Honey Lacuna, suspendido na ang pasok simula ala-1 ng hapon.

“[T]o prepare for Christmas and New Year celebrations after a year of hard work and dedicated public service, city government employees of the City of Manila deserve a little time and opportunity to aptly prepare for the holidays in order to have a meaningful celebration of the season with their families, friends, and loved ones,” saad sa kautusan.

Sa kabila nito, hindi naman sakop ng half-day work suspension ang mga tauhan at opisina na may kinalaman sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster and risk reduction management at health and sanitation.

Ang pasok naman sa national government offices at pribadong kompanya ay depende na sa diskresyon ng kani-kanilang pamunuan. RNT/JGC