Pasok sa Kamara at Sandiganbayan, kanselado na rin

Pasok sa Kamara at Sandiganbayan, kanselado na rin

July 17, 2018 @ 2:11 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Sinuspinde na rin ng House of Representatives ang trabaho sa kanilang tanggapan dahil sa tuloy-tuloy na paguulan hatid ng Hanging Habagat.

Ayon sa Human Resources Department ng Kamara simula ala 1:00 ng tanghali ay kanselado na ang trabaho sa tanggapan.

Bagamat wala nang pasok ay nagdesisyon ang Kamara na ituloy pa rin ang committee hearings na naitakda ngayong araw kabilang ang pagdinig ng Committee on Metro Manila Development kaugnay sa polisiya na ipatutupad ng Metro Manila Development Authority na nagbabawal na sa mga pampasaherong bus na dumaan sa kahabaan ng EDSA.

Tinukoy rin ng Kamara at Senado ang kanilang deliberasyon sa Bangasamoro Basic Law na isinagawa sa Shangrila Mandaluyong.

Samantala, kasunod nito ay suspendido na rin ang pasok sa Sandiganbayan
Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Tang epektibo ala-1:00 ng hapon ay wala nang pasok sa kanilang tanggapan.

Gayunpaman ang mga frontline personnel ng graft court partikular ang docket section ay magmamantina umano ng skeletal workforce. (Gail Mendoza)