Pasok sa Malaking Kapulungan ng Kamara suspendido na rin

Pasok sa Malaking Kapulungan ng Kamara suspendido na rin

August 23, 2022 @ 5:16 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Suspendido na ang sesyon ng Malaking Kapulungan ng Kongreso dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Florita.

Ayon sa advisory na ipinalabas ng House Secretary General, ang trabaho o pasok sa Kamara ay suspendido simula ngayong alas 4:00 ng hapon.

“Those who have to stay to complete their assigned tasks may do so, provided they have alternative modes of transportation. The Engineering and Physical Facilities Department and the Office of the Sergeant-at-Arms/Legislative Security Bureau will help ensure the safety of our personnel while inside the HRep Complex,” ayon pa rin sa ipinalabas na advisory.

Bukas ay hindi na rin pinapapasok ang mga personnel na hindi naman mahalaga ang gampanin ngunit tuloy ang pasok ng mga staff para sa kaukulang committee meetings at plenary session. Meliza Maluntag