Pasok sa SC, COMELEC, Manila City Hall sinuspindi na rin dahil sa bagyong Henry

Pasok sa SC, COMELEC, Manila City Hall sinuspindi na rin dahil sa bagyong Henry

July 17, 2018 @ 2:16 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Suspindido na rin ang pasok sa Korte Suprema dahil sa masamang panahon.

Sa advisory ng SC, simula alas 12 ng tanghali ay ipinag-utos na ni Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio ang suspensyon sa pasok ng lahat ng kanilang opisina at mga empleyado.

Habang ipinauubaya naman sa mga Presiding Justices ang mga pasok sa third level courts sa Metro Manila.

Ang suspensyon naman ng pasok sa mga trial court sa Metro Manila ay ipinaubaya naman sa Executive Judges.

Samantala, nagsuspindi na rin ng pasok ng mga empleyado ang Commission on Elections (COMELEC) simula alas 12:00 ng tanghali bunsod pa rin ng bagyong Henry.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, base na rin ito sa desisyon ng Commission en banc.

Kabilang sa mga walang pasok ang mga tanggapan ng COMELEC sa sumusunod na lugar ang NCR, Region 4A, Region 4B, Bataan at Bulacan.

Damay din sa suspensyon ng COMELEC ang voters registration sa mga nabanggit na lugar.

Sinuspindi rin ang trabaho sa main office nito sa Intramuros, Maynila.

Gayunman lahat ng mga personnel at security na nakatalaga sa information technology data center ay may pasok.

Gayundin, maging ang pasok ng mga empleyado sa Manila City Hall ay sinispindi na rin dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)