Pasok sa SC ngayong hapon, suspendido na

Pasok sa SC ngayong hapon, suspendido na

December 23, 2022 @ 1:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Korte Suprema ang panghapon pasok sa mga opisina nito ngayong Biyernes, Disyembre 23.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga tauhan nito na sulitin ang long Christmas weekend.

Sa Memorandum Order No. 178, sinabi ng SC na suspendido na ang lahat ng aktibidad simula alas-12 ng tanghali.

Sa kabila nito, nilinaw na hindi sakop ng suspensyon sa pasok ang mga tauhan ng Korte na kailangang magproseso ng piyansa, orders of release at iba pang writs of liberty.

Dagdag pa, hindi rin kabilang sa suspensyon ang mga kailangang maglabas ng protection order ngayong araw at mga dadalo sa mahahalagang kaganapan batay sa diskresyon ng mga husgado at hurado.

“Spend time with your family members and loved ones, and come back with renewed vigor to dispense justice toward those who need it most,” saad sa SC memorandum.

Nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 22, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang special non-working day para sa Lunes, Disyembre 26. RNT/JGC