Pasok sa trabaho, paaralan sa QC suspendido bukas

Pasok sa trabaho, paaralan sa QC suspendido bukas

August 18, 2022 @ 5:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Suspendido ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong opisina sa Quezon City kabilang na ang pasok sa mga paaralan bukas, Agosto 19.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Quezon City Day o ika-144 na kaarawan ni dating Pangulong Manuel Quezon.

Sa isang statement, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na sa ilalim ng Republic Act 6741, itinatakda ang Agosto 19 bilang special non-working holiday sa lungsod kasama na ang Quezon Province at Aurora.

Sa kabila nito, mananatili naman ang operasyon ng mga opisinang may kinalaman sa essential services, law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue maging ang disaster response. RNT