Passport appointment sa US Embassy-Manila kanselado

Passport appointment sa US Embassy-Manila kanselado

January 11, 2022 @ 1:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng US Embassy sa Maynila ang non-emergency appointments para sa passports at consular reports ng kapanganakan sa ibang bansa simula Enero 11 dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa ipinalabas na health alert nitong Lunes, inilahad ng embahada na sa halip na sa Enero 11 ay gagawing Enero 14 ang schedule ng appointments.

Kaselado umano ang naturang appointments “to ensure the health and safety of our clients and our staff,” paliwanag pa ng embahada.

“The current surge in COVID cases has impacted our operations, and as a result we are working with significantly reduced staffing levels and can only accommodate applicants with urgent travel needs in the next two weeks,” dagdag nito.

Ayon sa embahada, ang mga bibiyahe sa susunod na dalawang linggo ay maaaring mag-email sa [email protected] upang mag-book ng appointment, at kailangan isama ang kopya ng itinerary.

Kinansela rin ng US Embassy ang interview appointments  nito para sa Enero para sa non-immigrant visa applicants sa gitna pa rin ng lumolobong kaso ng COVID-19 sa bansa. RNT/SA