Passport power index na nagsabing humina ang PH passport, dinedma ng DFA

Passport power index na nagsabing humina ang PH passport, dinedma ng DFA

July 9, 2021 @ 7:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang resulta ng passport power index na nagpapakitang humina ang passport ng Pilipinas ay isang bagay na maaaring balewalain.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, sinabi ni DFA Office of Consular Affairs Executive Director Maria Alnee Gamble na ang 2021 Henley Passport Index (HPI) ay “opinion-based” lamang.

Aniya, nang dahil sa pandemya, naapektuhan ng travel restrictions ang passport ng maraming bansa hindi lamang ng Pilipinas.

“Our position on this is, this [ranking] is something that we can disregard because it is something that is put together by other people, by travelers. So it is opinion-based,” ani Gamble.

“With the pandemic, a lot of passports are also affected and not just ours because we have entry bans. So when we have entry bans, other countries will also have entry bans against us,” dagdag niya.

Gayunman, sinabi ni Senator Francis Tolentino na hindi dapat balewalain ang resulta ng nasabing passport index.

Sa 2021 Henley Passport Index, lumagapak ang ranking ng Philippine passport sa ika-82 pwesto, na pinakamababang naidokumento ng bansa simula 2006.

Habang ayon sa index, pinakamakapangyarihan ang passports ng Japan, Singapore, South Korea, Germany, Finland, Italy, Luxembourg, at Spain. RNT