Pastor na nagbabasa ng bible, binaril-patay

Pastor na nagbabasa ng bible, binaril-patay

June 1, 2021 @ 9:56 AM 2 years ago


SOUTH COTABATO – Butas ang leeg ng isang pastor matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nagbabasa ng bible kahapon sa bayan ng Lake Sebu ng lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Pastor Narlito Pandian Tunggay, 31-anyos, may-asawa, pastor ng Community Bible Church sa Sitio Lemsu-al 2, Barangay Tasiman, ng nasabing bayan at residente ng Barangay Lambuling, T’boli, South Cotabato.

Batay sa report ng Lake Sebu Police Station, bandang 6:00 PM naganap ang krimen sa loob ng naturang simbahan haban nagba-bible sharing ang biktima kasama ang kapatid.

Sa paunang imbestigasyon, nakaupo ang biktima malapit sa may kusina at nasa likod nito ay bintana na posibleng doon nakapuwesto ang suspek sabay binaril sa leeg at mukha ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek./Mary Anne Sapico