Pastor ninakawan ng motor, pinatay

Pastor ninakawan ng motor, pinatay

September 17, 2020 @ 1:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Zamboanga City, Philippines – Patay ang isang Baptist pastor nang barilin ng hindi pa nakikilang suspek nang nakawin ang motorsiklo nito sa Basilan.

Kinilala ang biktima na si Dennis De Villa ng Isabela City ayon kay Col. Domingo Gobway, commander ng Army’s Joint Task Force Basilan.

Nagtamo ang biktima ng multiple gunshot wounds sa ulo na kaagad nitong ikinamatay.

Sabi pa ni Gobway, papauwi ang pastor matapos magsagawa ng Bible study sa mga miyembro Army’s 18th Infantry Battalion nang mangyari ang pamamaslang ng suspek na kaagad tumakas tangay ang motorsiklo.

Tinitingnang anggulo ng krimen ay carjacking ngunit patuloy ang imbestigasyon sa insidente ng mga owtoridad.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...