Pastora patay, pastor kritikal sa salpukan ng kulong-kulong

Pastora patay, pastor kritikal sa salpukan ng kulong-kulong

October 6, 2022 @ 12:42 PM 2 months ago


CABARROGUIS, QUIRINO-Patay ang isang pastora habang kritikal naman ang kasama nito pastor din matapos ang salpukan ng kulong-kulong at kotse sa Barangay Balagbag, Cabarroguis, Quirino.

Kinilala ang nasawi na si Ptra. Tessie Morales, 70-anyos, habang nasa kritikal namang kalagayan si Ptr. Arnel Castillo, 31-anyos na residente sa Barangay San Isidro Diffun, Quirino.

Napag-alaman na ihahatid umano sana ni Ptr. Arnel si Ptra. Tessie sa kanyang bahay nang mangyari ang aksidente sa intersection na papasok sa barangay Balagbag.

Ang nasawi ay una nang nasa kritikal ang kalagayan dahil sa mga natamo nitong injuries dulot ng aksidente.

Isinugod pa ito sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival ng attending physician.

Sa ngayon ang kasama naman nitong si Ptr.Arnel ay kasalukuyan pang nasa pagamutan at kritikal umano ang kalagayan. Rey Velasco